Inaasahang bababa ng isa hanggang 3% ang kabuuang tala ng tourist arrivals sa buong mundo dahil sa coronavirus disease 2019(COVID-19) outbreak.
Batay ito sa pagtaya ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO) kung saan pinakamaaapektuhan ang Asia and Pacific region na aabot sa 9% hanggang 12% pagbaba.
Ayon sa UNWTO, nagkaroon sila ng pagbabago sa kanilang ipinalabas na projection para sa international tourist arrival matapos magkaroon ng outbreak ng COVID-19.
Bunsod nito, inaasahan anilang aabot sa 30 hanggang 50 billion dollars ang mawawalang kita sa international tourism.
Magugunitang, lumago nang 4% o katumbas ng 1.46 billion ang tourista arrivals sa iba’t ibang mga destinasyon sa buong mundo noong 2019.
Pasok ito sa target ng UNWTO na 3% hanggang 4%.