Itinuturing na milestone ng DOT o Department of Tourism ang nilagdaang kasunduan ng Pilipinas at Russia na naglalayong mapalakas ang turismo ng dalawang bansa.
Ito’y makaraang lagdaan ni Tourism Secretary Wanda Tulfo – Teo at ng Federal Agency of Tourism ng Russia ang joint action program of Tourism Cooperation.
Nakasaad sa nasabing kasunduan ang pagpapalitan ng impormasyon ng Russia at Pilipinas na may kaugnayan sa seguridad ng mga mamamayan nito na tutungo sa mga nabanggit na bansa.
Ayon kay Secreatary Teo, indikasyon lamang aniya ng nasabing kasunduan ang kumpiyansa ng Russia sa kakayahan ng Pilipinas na maresolba ang peace and order issues nito.
Bagama’t interesado ang mga Ruso na bumisita sa Pilipinas dahil sa napakagandang klima, ngunit kinakailangan nilang matiyak na ligtas sila sa mga pupuntahan nilang destinasyon.
By: Jaymark Dagala