May agam-agam pa rin umano ang maraming tourist destination sa bansa na magbukas muli sa pagpapapasok sa mga turista hangga’t hindi nakatitiyak na mayroong COVID-19 testing laboratory sa kanilang lugar.
Ito’y ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo Puyat sa gitna ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
Ani Puyat, bilang tugon sa pangamba ng mga operator ng mga tourist destination sa bansa, humingi na sila sa Department Of Health ng listahan ng COVID testing centers.
Ipakikita umano nila ito sa mga operator upang maipalam at mapatunayang mayroong nang COVID testing centers sa kanilang mga lugar.
Binigyang diin ni Puyat na mahalagang makasunod pa rin ang lahat sa proper health at safety protocols upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19 habang unti-unting binabangon ang ekonomiya ng bansa.