Nagbabala ang pamahalaang lokal ng Misamis Oriental sa mga lokal at dayuhang turista na bumibisita sa kanilang lugar.
Kasunod ito ng mga serye ng bakbakan sa pagitan ng militar at ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa nasabing lalawigan.
Ayon sa Provincial Tourism Office, hangga’t maaari sana’y iwasan muna ng mga turista ang ilang aktibidad tulad ng mountain climbing, water rafting at iba pa lalo na sa mga lugar na apektado ng bakbakan.
Magugunitang dalawang beses nagka-engkuwentro ang militar at NPA noong isang buwan kung saan dalawang sundalo ang nasawi habang tatlo naman ang nasugatan.
By Jaymark Dagala