Nasalpok ng isang towing truck ang isang eroplano ng Philippine Airlines sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 2.
Sinasabing nakaparada lamang ang flight PR 453 ng PAL nang mabangga ito ng isang towing vehicle.
Patungo sana sa international cargo terminal ang truck nang kumalas ang tow dolly o trailer dahilan upang masalpok ang eroplano.
Wala namang nasaktan sa insidente dahil walang pasahero sa loob ng nasabing eroplano.
By Jelbert Perdez | Raoul Esperas (Patrol 45)