Nagsanib-pwersa ang Commission on Elections at Vote Pilipinas para sa paglulunsad ng town hall meetings na makapagpapalakas sa voter registration.
Isasagawa ang unang town hall meeting sa ilalim ng “Magparehistro Ka!” Campaign, na magsisimula sa Huwebes, 5PM hanggang 7PM, sa pamamagitan ng Zoom at Facebook.
Maglalahad si Comelec Commissioner Rowena Guanzon ng kanyang keynote address bago ang presentasyon ng datos ng voter registration ni Comelec Spokesman James Jimenez, at Vote Pilipinas Lead Convenor Ces Rondario.
Sa kasalukuyan, nasa 60 milyon ang bilang ng rehistradong botante sa bansa. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico