Posibleng ngayong linggo pa mailalabas ang toxicology report sa posibleng dahilan ng pagkamatay ng mag-asawang Jose Maria at Juliet Escano, sa parking lot ng isang mall.
Sinabi ni Las Piñas Police Chief Inspector Rey Viloria kanila pang inaantay ang report mula sa Crime Lab kaugnay sa pagsusuring ginawa sa suka ng mag-asawa na natagpuan sa kanilang sasakyan.
Kanila na din aniyang isinumite sa Cybercrime Division ang kopya ng kuha ng CCTV upang ito ay ma-enhance.
“Yung satellite office po ng SOCO, may initial finding po sila, nung in-interpret nila due to shock, secondary to ingestion of toxic substance, ‘yun po ang cause of death na sinasabi ng SOCO po, tinitignan po natin lahat ng anggulo.” Pahayag ni Viloria.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit