Ikinakasa na ng senado ang imbestigasyon sa mga reklamo laban kay Cesar Montano, Chief Operating Officer ng TPB o Tourism Promotions Board.
Ayon kay Senador Nancy Binay, naibigay na sa Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon ang kanilang resolusyon na imbestigahan ang mga reklamo laban kay Montano.
Magsisilbi naman anyang pangalawang komite na hahawak sa imbestigasyon ang pinamumunuan nyang Committee on Tourism.
Sinabi ni Binay na kahit naka-session break ngayon ang senado ay puwede pa rin silang magsagawa ng imbestigasyon upang mabilis na maplantsa ang gusto sa TPB at maipagpatuloy nila ng maayos ang kanilang mga trabaho.
Kabilang sa mga reklamo ng ilang empleyado ng TPB laban kay Montano ang paglikha ng mga trabaho para sa kanyang mga kapamilya at kakilala kahit may mga dati nang empleyadong gumagawa ng parehong trabaho; pagkukulong sa kanyang opisina at maririnig na nag gigitara lamang at pagka-slow o mahina sa pag intindi kapag may presentasyon para sa kanilang mga programa.
PAKINGGAN: Si Senador Nancy Binay, Chairperson ng Senate Committee on Tourism sa panayam ng DWIZ
By Len Aguirre | Karambola (Interview)