Nakagawa ng malaking pag-angat ang 106 Trabaho Partylist sa pinakahuling survey ng WR Numero Research para sa 2025 midterm elections.
Buhat sa ika-50 noong Pebrero, nasa ika-13 na pwesto na ang grupo ngayong Abril, batay sa survey matapos itong tumalon ng 37 na pwesto.
Kapansin-pansin din ang tuloy-tuloy na pagtaas ng ranggo ng Trabaho sa iba pang kilalang survey.
Batay sa Social Weather Stations (SWS), umakyat sa ika-22 pwesto ang 106 Trabaho Partylist nitong Marso 2025, malaking pagtalon mula sa ika-55 puwesto nito noong Disyembre 2024.
Target dalhin ng 106 Trabaho Partylist sa Kongreso ang mahahalagang plataporma nito na magtataguyod ng dignidad ng mga manggagawa sa pamamagitan ng reporma at serbisyo publiko.
Ayon kay Partylist first nominee Atty. Johanne Bautista, isinusulong nila ang plataporma ng karagdagang benepisyo, mas mataas na sahod, maayos na kondisyon sa pagtatrabaho, at kapakanan ng manggagawang Pilipino.
Ayon naman kay second nominee Ninai Chavez, tututukan nila ang pagbibigay ng patas na oportunidad para sa mga kababaihan, lalo na sa solo parents, at mga may kapansanan.
Giit naman ni third nominee Kagawad Nelson de Vega, dapat bigyang-pansin ang pagbibigay ng trabahong akma sa kakayahan ng mga senior citizen.