Dahil dumarami na ang mga Pilipinong napupusuan ang mga plataporma para sa kalidad ng trabaho, patuloy ang pag-angat ng Trabaho Partylist, bilang 106 sa balota, batay sa pinakahuling Stratbase-SWS National Survey para sa 2025 midterm elections.
Umakyat sa pwestong 22-23 na may 1.07% voter preference ang 106 Trabaho ngayong Marso, mas mataas kumpara sa 0.96% noong Pebrero kung saan nasa ika-26 na pwesto ito.
Kapansin-pansing malaki ang iniangat ng Trabaho Partylist subalit ika-54 hanggang 55 lamang ang grupo noong Disyembre 2024.
Welcome sa grupo ang naging resulta ng survey kung kaya’t naglabas na rin sila sa kanilang official page ng pasasalamat sa publiko.
“Ang inyong suporta ay aming inspirasyon sa patuloy na pagtataguyod ng kalidad na trabaho, sapat na sahod, karagdagang benepisyo, maayos na kondisyon sa pagtatabaho, at patas na oportunidad para sa lahat,” pahayag ng Trabaho.
Isinagawa ang survey noong March 15-20 sa 1,800 rehistradong botante mula Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.