Hindi apektado ang trabaho ng Commission on Elections o COMELEC sa kontrobersyang kinakaharap ni COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, patuloy lamang ang trabaho ng poll body sa kabila ng isyu laban sa kanilang pinuno.
Binigyang diin ni Jimenez na hindi dapat makaapekto sa operasyon ng COMELEC ang personal na problema ng mga namumuno rito.
Una rito, inakusahan mismo si Bautista ng asawa nitong si Patricia na mayroon umanong nasa isang bilyong tagong yaman bagay na itinanggi naman ng COMELEC Chairman.
Barangay and SK elections prep
Samantala, tuloy pa rin ang paghahanda ng Commission on Elections para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, hanggang sa ngayon ay wala pa rin aniya kasing naipapasang batas ang Kongreso para sa pagpapaliban muli nito ngayong taon.
Dahil dito, nanawagan si Bautista sa mga mambabatas na pagpasyahan na ang usapin hinggil sa pagpapaliban ng halalang pambanrangay at SK.
Sinabi ni Bautista na ihihinto lamang nila ang paghahanda kapag nakakuha na sila ng kasiguraduhan mula sa Kongreso.
By Ralph Obina