Tuloy ang trabaho ng Presidential Communication Operations Office (PCOO).
Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa kabila ng pagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng isa sa kanilang mga empleyado.
Ayon kay Roque, hindi mapipigilan ng COVID-19 ang mga kawani ng malakanyang para magampanan ang kanilang tungkulin.
Kahapon, ginanap sa labas ng Malakanyang ang regular press brieifing ni Roque para bigyang daan ang pagsasagawa ng disinfection sa new executive building, contact tracing at swab test sa iba pang tauhan ng PCOO.
Matatagpuan sa loob ng New Executive Building sa Malacañang Complex ang tanggapan ng presidential spokesperson, chief of presidential legal counsel, presidential legislartive liason at press briefing room.