Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang “Trabaho Para sa Bayan Act” bilang batas. Layon nitong matugunan ang unemployment at underemployment rate sa Pilipinas. Aprubado dito ang mga netizen at agree silang magiging malaki ang tulong nito sa labor sector.
Ano ang Trabaho Para sa Bayan Act?
Tara, suriin natin yan.
September 27, 2023 pinirmahan ni Pangulong Marcos Jr. ang Republic Act 11962 o mas kilala bilang Trabaho Para sa Bayan Act.
Nakasaad sa batas na ito ang paglikha ng Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council (TPB-IAC) na pamumunuan ng Director General ng National Economic and Development Authority (NEDA). Magiging co-chairman nito ang secretary ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI). TPB-IAC ang gagawa ng master plan para sa employment generation at recovery ng bansa.
Through upskilling at reskilling, palalakasin ang employability at competitiveness ng mga Pilipino sa ilalim ng Trabaho Para sa Bayan Act. Susuportahan din ng batas ang micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng increased access sa financing at kapital na, in return, makakapagbigay ng employment para sa iba.
Sa ilalim ng nasabing batas, magbibigay ng incentives ang pamahalaan sa employers, industry stakeholders, at private partners na magfa-facilitate ng skills development, technology transfer, at knowledge sa mga negosyante at manggagawa.
Kasalukuyang maraming kinakaharap na isyu ang labor sector ng bansa gaya ng low-quality jobs, skills mismatch, underutilization ng kabataan, underemployment, pag-uupdate ng skills kasabay ng digital technologies, at iba pa.
Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong August 9, 2023 naipakitang mayroong employment rate na 95.5% ang bansa. Mas mataas ito kumpara sa 94% noong nakaraang taon.
Tumaas nga lang ang underemployment rate ng 15.9% ngayong taon kumpara sa 13.8% last 2022. Tumutukoy ang underemployment sa sitwasyon kung saan napipilitan ang mga manggagawa sa mga trabahong may mababang sahod na taliwas sa kanilang skills o kursong tinapos.
Bukod sa netizens, napahanga rin ni Pangulong Marcos Jr. sa pagpasa ng batas ang labor group na Federation of Free Workers (FFW). Ayon sa National Vice President na si Jun Ramirez, tamang direksyon ang hakbang na ito ng Pangulo dahil naniniwala silang hindi lang necessity kundi fundamental right ang magkaroon ng meaningful employment opportunities.
Para kay Pangulong Marcos Jr., magbibigay ang Trabaho Para sa Bayan Act ng opportunity at new chapter para magkaroon ng maayos, matatag, at marangal na trabaho ang lahat. Sa pagpasa ng batas na ito, talaga namang masasabing papunta na tayo sa Bagong Pilipinas.
Ikaw, ano ang masasabi mo sa bagong batas na Trabaho Para sa Bayan Act?