Kasado na ang mga trabaho para sa libu-libong manggagawa na mawawalan ng hanap buhay dahil sa napipintong pagsasara sa 23 kumpanya ng minahan.
Tiniyak ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos pulungin nang regional officials ng Department of Labor and Employment o DOLE para maglatag ng action plan.
Sinabi ni Bello na nagpadala na ang DOLE ng technical staff sa 14 na kumpanya ng minahan para magsagawa ng pag aaral.
Nakatakda namang magsumite sa DOLE Provincial Office ng transition o action plan at proposal ang mga apektadong kumpanya.
By Judith Larino
Photo Credit: CNN Philippines