Daan-daang trabaho ang naghihintay para sa mga magsisipagtapos ngayong buwan.
Ayon sa Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, pinaplantsa na ng ahensya ang paglalatag ng job fair sa iba’t ibang mga lugar sa bansa para mabigyan ng trabaho ang mga graduating college students.
Aniya, patuloy ang ginagawang pagsisikap ng gobyerno para mapataas ang employment rate at matugunan ang job mismatch sa bansa.
By Rianne Briones