May naghihintay na trabaho sa mga Pinoy medical workers sa Qatar.
Ito’y matapos makipag-usap ang Department of Foreign Affairs o DFA sa Qatari Business Community para magtayo ng isang ospital doon.
Base sa pag-uusap, ang mga investor mula sa Qatar ang magbibigay ng lupa at gusali na pagtatayuan ng ospital habang ang mga Pinoy naman ang mangangasiwa at magiging staff sa nasabing ospital.
Kaugnay nito, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na partikular na kakailanganin sa itatayong ospital ang mga Pinoy doctor at health workers.
Ani Baldoz, bagamat proposal pa nga lang ito ay umaasa silang matutuloy ito.
Kung sakali, ang konstruksyon aniya ng ospital ay pinagsamang effort ng Qatari capital at Filipino medical expertise.
By Allan Francisco