Habang lumalakas ang panawagan para sa mas mataas na sahod at karagdagang benepisyo, ang Trabaho Partylist ay kinikilala bilang isa sa mga pangunahing pagpipilian ng taumbayan, ayon sa isang pambansang survey.
Ayon sa survey na isinagawa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, 2024, kasama ang grupo sa higit 20 partylist na may malakas na suporta mula sa mga botante, bilang paghahanda sa darating na halalan sa 2025.
Ang Trabaho Partylist ay nasa ika-21 pwesto sa survey, na may tinatayang isang milyong Pilipino na sumusuporta sa kanilang adbokasiya para sa siguradong trabaho at kabuhayan.
Nabatid na higit sa pagtaas ng sahod, layunin ng grupo na mapahusay ang kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang non-wage benefits.
Pahayag ng grupo, hindi sapat na umasa lamang sa wage increase upang masigurong natutugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat pamilya.
Dahil nakikita nilang ito ay pangmatagalang solusyon, binigyang-diin ng Trabaho Partylist ang kahalagahan ng pagpapalakas ng ekonomiya, paghikayat ng mas maraming investors, at pagsasanay sa mga skilled workers.
Magkakaroon din ng krusyal na papel ang grupo sa Kongreso sa pagsusulong ng mga batas na magbibigay ng mas maraming benepisyo para sa mga manggagawa.