Kumpiyansa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maraming trabaho ang malilikha ng katatapos na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.
Ayon kay DOLE Sec. Rosalinda Baldoz, kumpiyansa siyang may dalang magandang balita ang katatapos lamang na pagpupulong ng mga economic manager ng 9 na bansa.
Inihalimbawa pa nito ang bansang Australia, na magnenegosyo sa processed food at agribusiness, IT-BPM, engineering services, infrastructure at iba pang private-public partnership projects, auto parts exports, at manufacturing.
By: Mariboy Ysibido