Posibleng umabot sa 30,000 hanggang 60,000 manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa bansa kasunod na rin ito, ayon kay Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, nang paghina ng turismo at kalakalan dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Pernia na maaaring hanggang 1% ang matapyas sa growth target ng bansa ngayong taon dahil sa banta ng nasabing virus.
Bukod sa turismo ilan pang industriya ng kalakalan ang direktang apektado ng pangamba sa pagkalat ng virus.
Posible ring maapektuhan ng COVID-19 scare ang inflation sa mga susunod na buwan na tinatayang nasa 0.1 % hanggang 0.2 % ang maging pagtaas.
Tiniyak naman ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay ang pagkakaloob nila ng financial assistance, livelihood programs at job placement sa mga maaapektuhang manggagawa.