Inanunsiyo na ng Korte Suprema ang suspension ng trabaho sa lahat ng Trial Courts sa buong bansa sa December 24, 2021 at December 31, 2021.
Sinabi ni Deputy Court Administrator and Officer-In-Charge Raul Bautista Villanueva, ng Office of the Court Administrator (OCA), ito ay upang unahin and koleksiyon at pag oorganisa ng mga court documents na kakailangin para sa preparasiyon ng inventory at iba pang reports sa susunod na taon.
Dagdag pa ni Villanueva, ang mga naturang ‘No Transaction’ days ay ang mga araw na isasagawa ang paglilinis, pagdidis-infet at sanitize ng mga court buildings at offices para sa ibayong pagiingat sa COVID-19. —sa panulat ni Mara Valle