Suspendido pa rin ang trabaho ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan sa lungsod ng Zamboanga ngayong araw bunsod ng Low Pressure Area (LPA).
Ito ay mula sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) matapos magsagawa ng assessment sa nabanggit na lugar.
Ayon kay City Social and Development Officer Soccoro Rojas, umabot sa 21 barangay o katumbas ng 2,000 pamilya ang apektado sa matinding pagbaha.
Gayunman, hinikayat ng City Health Office ang mga lumusong sa baha na magtungo sa health centers na manghingi ng gamot na prophylaxis kontra leptospirosis. - sa panunulat ni Jenn Patrolla