Hinahanap ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang ipinagmamalaki ng administrasyon ng Pangulong Noynoy Aquino na trabaho para sa mga Filipino.
Ito ay matapos lumabas sa survey ng Social Weather Station na nadagdagan ng 1.5 ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho.
Iginiit ni Atty. Rico Quicho, tagapagsalita ng bise presidente para sa political affairs na kung tunay ang pahayag ng pangulo noong State of the Nation Address na mayroon nang nag aantay na trabaho sa isang 3rd year college student, nabawasan na sana ang bilang ng walang trabaho sa bansa.
Binigyang diin ni Quicho na kasama sa mga tututukan ng bise presidente, kapag siya ay nanalong pangulo, ay ang pagbibigay ng trabaho sa mga Filipino katulad ng kanyang ginawa sa lungsod ng Makati, nang ito ay alkalde pa.
By: Katrina Valle | Allan Francisco