Nangunguna ang trabaho at pangkabuhayan sa iniisip ng mga Pilipino na nais nilang talakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ika-6 at huling State of the Nation Address ngayong araw.
Ito’y batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa nuong Hunyo 7 hanggang 16, 2021.
Lumabas sa survey na 38% ang nagsabing ang pagpaggawa pa ng trabaho o kabuhayan ang nangungunang isyu na dapat talakayin sa SONA ni Pangulong Duterte.
Sinundan ito ng pagpapa-unlad ng ekonomiya ng bansa na nakakuha ng 35% habang 33% naman ang interesado sa usapin ng pagpigil ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.