Palalawakin pa ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang paggamit sa kanilang CONTACT TRACING app na TRACE upang magbigay serbisyo sa paglaban sa COVID 19.
Ayon ito kay Taguig City Mayor Lino Cayetano makaraang i-anunsyo nito na gagamitin na rin nila ang TRACE app para sa rollout ng mga bakuna sa ilalim ng vaccination program ng gobyerno.
Sinabi ng alkalde, hindi na mahihirapan pa ang mga residente ng Taguig para magparehistro dahil iisang datos na lang din ang kanilang gagamitin para rito.
Maguginitang inilunsad ng Lungod ang TRACE o ang Taguig Registry for Assessment and City Engagements nuong isang taon sa kasagsagan ng COVID 19 pandemic.
Maliban sa bakuna, maaari na ring makakuha ng iba pang health at social services ang mga taga Taguig gamit ang App sa pamamagitan ng QR code.
Dahil dito, sentralisado na ang lahat ng mga datos ng lungsod mula sa CONTACT TRACING hanggang sa iba pang serbisyo.
Libre ang pagpaparehistro para makakuha ng QR code ang mga residente ng Taguig gamit lamang ang kanilang mobile phone o computer.
Magtungo lang sa trace.taguig.gov.ph at sagutin ang mga hinihinging impormasyon bago mabigyan ng QR code.
Ikinakasa rin ng Taguig LGU na magpakalat ng mga tauhan para magbahay-bahay at magtatalaga rin sila ng kiosk para sa walk-in registration.
LOOK: TRACE contact tracing app ng Taguig kontra COVID, pinalawak | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/KZuVdhWl5C
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 23, 2021