Patuloy ang pagtulong ng Philippine National Police (PNP) sa mga health authorities para mapadali ang pagtukoy sa mga taong nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y ayon kay PNP chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa ay matapos ihayag nito na naaabot na ng pamahalaan ang 96% tracing ability sa buong bansa.
Ayon kay Gamboa, hiwalay na operation support group aniya ito ng PNP sa pamahalaan upang magbigay naman ng overall strategic reposponse sa COVID-19 crisis bagama’t hindi pa ito sapat.
Aminado rin si Gamboa na nalilimitahan ang kakayahan ng pamahalaan na matukoy ang mga posibleng carrier ng virus dahil sa mga restrictions tulad ng Data Privacy Law.
Gayunman, malaki aniyang bentaha para sa mga pulis ang investigative skills nito upang matukoy kung sinu-sino ang posibleng nagtataglay ng virus batay naman sa mga impormasyong ibinibigay ng mga COVID-19 patients.