Posibleng maapektuhan ang trade relations ng Pilipinas at mga bansang sakop ng European Union o EU.
Ito ang pangambang inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos tanggihan ng Duterte administration ang developmental aid ng EU.
Tinukoy ni Drilon ang posibilidad na matanggal ang Pilipinas bilang benepisyaryo ng generalized system on preferences plus kung saan nakakapag-export ang bansa sa EU nang walang binabayarang taripa.
Maliban dito, partner rin anya ng bansa ang EU sa pagsusulong ng kapayapaan at pagbibigay ng tulong sa Mindanao.
By Len Aguirre | With Report from Cely Bueno