Tumindi pa ang trade war sa pagitan ng dalawang pinakamalaking ekonomiya na US at China matapos kapwa magpataw ng mas mataas na taripa ang dalawang bansa sa kani-kanilang produkto.
Aabot sa 10 percent o 200 billion dollars ang ipinataw na panibagong taripa ng Amerika sa Chinese goods na kinabibilangan ng food seasonings, network routers at industrial machinery parts.
Gumanti naman ang China sa pamamagitan ng 5 hanggang 10 percent o 60 billion dollars na taripa sa US goods tulad ng karne, kemikal, damit at auto parts.
Layunin ng hakbang na parusahan ang Tsina dahil umano sa hindi patas na trade practices gaya ng pangongopya o pamemeke ng mga US product.
—-