Nangangamba si Philippine Ambassador to China Chito Santa Romana sa posibilidad na maapektuhan ang Pilipinas sa sinasabing trade war sa pagitan ng U.S. at China.
Ayon kay Santa Romana, hindi malayong magkaroon ng negatibong epekto sa Pilipinas ang nagbabadyang trade war lalo’t ilan sa mga export ng bansa ay bahagi ng supply chain sa Chinese exports sa Amerika.
Sakaling sumiklab ang sinasabing tagisan sa kalakalan, magiging hamon anya ito para sa Pilipinas maging sa lahat ng mga nakikipag-kalakal sa Estados Unidos at Tsina.
Ipinunto naman ng embahador na tanging magagawa ng Pilipinas at iba pang bansa ay manawagan sa China at US na muling mag-usap at resolbahin ang kanilang sigalot sa pamamagitan ng negosasyon.
—-