Dapat sundan ng mga democratic trading partners ng Pilipinas ang banta ng European Union (EU) na tanggalin ang zero tariff sa mga produkto ng Pilipinas na pumapasok sa European Union.
Laman ito ng editorial ng New York Times ng Estados Unidos.
Ipinahiwatig sa editoryal na dahil tila bale wala sa Pangulong Duterte ang mga bantang pasasampa ng kaso laban kanya dapat itong hagupitin sa bahaging aaray siya o masasaktan ang Pilipinas tulad ng ginawa ng EU.
Samantala, iminungkahi rin sa editoryal ng New York Times na dapat pangunahan na ng United National Human Rights Council ang isang independent investigation sa mga pagpatay sa giyera kontra droga ng Pangulong Duterte.
By Len Aguirre
Source: New York Times FULL EDITORIAL ARTICLE