Magdaragdag ng mga pamilihan ang Department of Agriculture (DA) para sa mga oversupply na produkto tulad ng gulay at prutas.
Ito’y ayon kay Agriculture Secretary William Dar ay bilang tulong na rin sa mga magsasakang nalulugi na dahil sa kasalukuyang pandemya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa kalihim, kailangang magkaroon ng matatag na trading post ang pamahalaan ngayong sunud-sunod na ang pagkalugi ng mga magsasaka.
Nabatid na bumagsak sa P2 hanggang P5 ang kada kilo ng kamatis habang nasa P15 hanggang P20 naman ang carrots dahil sa oversupply.