Hindi tuloy ang tradisyunal na mass wedding sa Kampo Krame ngayong araw.
Batay sa advisory na inilabas ng Philippine National Police o PNP Public Information Office, ipinagpaliban sa ibang araw na hindi pa itinakda ang naturang aktibidad.
Walang binanggit na dahilan sa naturang postponement ngunit wala sa bansa ngayong araw na ito si PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
Matatandaang naging taunang aktibidad na sa Kampo Krame ang pagpapakasal ng sabay-sabay ng mga pulis at non-uniformed personel sa kanilang mga kasintahan tuwing Araw ng mga Puso kung saan tumatayong sponsor ang PNP Chief at matataas na opisyal ng PNP.
(Ulat ni Jonathan Andal)