Muling nasaksihan ang tradisyunal na ”oblation run” ng mga miyembro ng Manila Alpha Phi Omega (APO) fraternity sa University of the Philippines.
Ang tema ng oblation run ngayong taon ay “end the stigma, end the surge: fighting the hiv / aids epidemic, community by community’ para sa pagdiriwang ng Worlds Aids Day sa December 1.
Layon nitong maging bukas ang kaisipan ng publiko ukol sa malayang diskusyon ukol sa hiv/ aids kasunod ng pagtaas ng kaso nito sa ating bansa.
Bukod sa pag takbo ng nakahubad, namigay din ang UP Manila APO fraternity ng mga bulaklak na rosas na may kasamang mga condom.