Maagang dinagsa ng mga deboto ng Poong Itim na Nazareno ang Quirino Grandstand sa Maynila para sa tradisyunal na ‘pahalik’ sa Poon.
Pinili na ng ilang mga deboto ang magpa-morningan sa nasabing lugar upang maka-una sa ‘pahalik’ subalit ganap na alas-8:00 na ito ngayong umaga nagsimula batay na rin sa abiso ng organizing committee.
Una rito ay binigyang-daan ang isang misa ganap na ika-anim kaninang umaga para naman sa lahat ng mga volunteers, pulis, bumbero at maging sa miyembro ng media na magbabantay sa okasyon.
Ayon kay Ginoong Alex Erasca, pinuno ng technical working committee ng traslacion, napagpasyahan nilang bigyan muna ng pagkakataon ang lahat ng mga volunteers na unang makahalik sa Poon bago ang kanilang gagawing pagbabantay sa okasyon.
Sa pinakahuling crowd estimate ng mga awtoridad umaabot na sa mahigit 10,000 deboto ang kasalukuyang nasa Quirino Grandstand para sa ‘pahalik’.
Sa pagitan na ng orange barriers ng MMDA nakatulog ang ilang deboto na matiyagang naghihintay ng tradisyunal na ‘pahalik’ sa Itim na Nazareno. | via @gilbertperdez pic.twitter.com/wgAi3wStPM
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 7, 2018
Sitwasyon sa Quirino Grandstand kung saan maraming deboto na ang matiyagang naghihintay para sa tradisyunal na ‘pahalik’ sa Itim na Nazareno. |via @gilbertperdez pic.twitter.com/JHQfvlslpZ — DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 7, 2018
Replica procession
Samantala, inabot ng sampung oras ang prusisyon sa mga imahe ng replika ng Poong Itim na Nazareno kahapon na nagtapos dakong alas-12:50 kaninang hatinggabi.
Batay sa pagtaya ng Manila Police District o MPD, tumaas pa ang bilang ng mga nagsidalo sa 120,000 deboto ang nakiisa sa taunang tradisyon bago ang mismong traslacion bukas, Enero 9.
Inilibot ang mga replika ng Poong Itim na Nazareno sa mga kalye ng Claro M. Recto, Loyola, bilibId Viejo, Puyat, Guzman, Hidalgo, Barbosa, Globo de Oro, Palanca, Villalobos patungong Plaza Miranda.
(Ulat ni Gilbert Perdez)