Kanselado na ang tradisyonal na Traslacion ng Poong Itim na Hesus Nazareno ng Quiapo sa Enero ng susunod na taon.
Ito ang napagkasunduan ng pamahalaang lungsod ng Maynila at ng pamunuan ng simbahan ng Quiapo bilang pag-iingat na rin sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, hindi aniya nito kakayaning dumaming muli ang mga magpopositibo sa COVID-19 kapag isinalya pa rin nila ang tradisyon.
Mas mahalaga aniya sa mga panahong ito ay ang kalusugan at kaligtasan ng mga deboto lalo’t libo-libo ang dumadalo sa nasabing okasyon.