Kanselado na ang tradisyunal na vin d’honneur sa Palasyo ng Malacañang sa Lunes kasabay ng paggunita sa ika-119 na anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella ay dahil sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutukan muna ang sitwasyon sa Mindanao.
Gayunman, tiniyak ng Palasyo na pangungunahan ng Pangulo ang flag raising ceremony gayundin ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal sa Luneta, Maynila sa Lunes ng umaga.
Dalawang taon lamang ginagawa ang vin d’honneur o ang pagsasama-sama ng diplomatic corps na pinangungunahan ng Pangulo tuwing Bagong Taon at Araw ng Kalayaan maliban pa sa inagurasyon ng bagong Pangulo ng bansa.
By Jaymark Dagala / with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
Tradisyunal na Independence Day vin d’honneur kanselado na was last modified: June 10th, 2017 by DWIZ 882