Huwebes o Biyernes ay posible nang makapagbiyahe ang mga traditional jeepneys na roadworthy.
Ito ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddess Libiran ay commitment sa kanila ng LTFRB matapos payagang magbalik pasada ang UV express units ngayong araw na ito matapos ang ilang buwang suspensyon dahil sa Luzon wide lockdown.
Sinabi ni Libiran na hinuli nila ang pagbabalik pasada ng traditional jeepneys kumpara sa ibang public utility vehicles dahil sa sinusunod na hierarchy sa usapin ng load capacity.
Una nang ibinalik ang operasyon sa ilalim ng gradual resumption ng mass public transportation ng mga PUV’s na mayroong malaking kapasidad.