Mas ligtas para sa mga commuter ang traditional jeepney kumpara sa modern jeep sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Binigyang diin ito ng IBON foundation matapos tukuyin ang ilang pag aaral sa ibayong dagat.
Kabilang sa mga ito ang pagaral ng medical researchers at pnhysicists mula sa University of Amsterdam na nagsasabing ang droplets mula sa ubo na may dala ng virus particles ay nananatili sa hangin sa isang enclosed spaces lalo na sa mga walang sapat na ventilation o hangin sa mga kuwarto at gusali.
Bukod pa ito ayon sa IBON foundation ng findings naman ng chinese academy of science kung saan nakasaad na ang airborne transmission ay mahalagang daanan ng infection sa mga kulob o indoor environments gayundin ang babala ng international association of public transport na ang public transport systems ay maituturing na high risk environments dahil sa confined space at limitadong ventilation at ang payo naman ng European Center for Disease Prevention and Control na ang tamang ventilation sa mga pampublikong transportasyon sa lahat ng oras at paggamit ng bintana para makapasok ang sariwang hangin.
Kinontra naman ito ng gobyerno sa pagsasabing mas lalong hindi ligtas sa loob ng traditional jeepney dahil sa internal design nito.
Subalit inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na maaari pa namang maikunsider ang traditional jeepney sakaling kulangin ang public transport.
Bawal pa ring mag operate ang traditional jeepney sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) dahil hindi umano na o obserba ang physical distancing sa limitadong espasyo kung saan ang mga pasahero ay nakaupo nang nakaharap sa isa’t isa.