Papayagan umanong bumiyahe ang mga tradisyunal na jeepney sa mga lugar na limitado ang bumibyaheng modern public utility vehicles (PUVs).
Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr), ngayong nakapailalim na ang karamihan ng lugar sa general community quarantine (GCQ).
Paliwanag ng DOTr, inunang pinayagang makabyahe ang mga sasakyang mas mataas ang kapasidad para sa physical distancing, cashless payment at contact tracing.
Batay sa inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), mula ika-1 hanggang ika-21 ng Hunyo ay papayagang bumiyahe ang mga tren, bus augmentation, taxi at TNVS, shuttle services, bike at tricycle.
Sa ika-22 ng Hunyo, papayagan na rin ang public utility buses, modern PUVs at UV express.