Aprubado na sa house transportation committee ang panukalang paglikha ng traffic crisis inter-agency management council.
Sa ilalim ng house resolution 353 na inihain ni house transportation committee chair Edgar Mary Sarmiento ang traffic crisis inter-agency management council ay bubuuin ng Department of Transportation, DPWH, DILG, MMDA, LTRFB, LTO at PNP Highway Patrol Group.
Layon ng panukalang pag isahin at i-harmonize ang mga polisiya para masolusyunan ang problema sa matinding traffic sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia suportado nila ang resolusyon dahil malinaw ang papel ng bawat ahensya.
Kailangan lamang aniya talagang magkaroon ng pangil ang batas para maging organisado ang mga polisiya.
Sinabi ni Garcia na coordinated ang kilos ngayon dahil mayroong direktiba ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Local Government Units (LGU) sa pamamagitan ng DILG.