Pursigido ang Department of Transportation sa pagsusulong ng emergency powers bilang solusyon sa kasalukuyang traffic situation sa bansa sa oras na magsimula ang 18th congress.
Ito ang inihayag ni DOTr Secretary Tugade sa gitna ng kahandaan ni winning senatorial candidate at dating MMDA chairman Francis Tolentino na i-refile ang panukalang emergency powers na nabinbin sa Kongreso ng dalawang taon.
Tiniyak din ni Tugade na walang magiging katiwalian sa implementasyon ng mga transportation projects sa oras na isabatas ang panukalang emergency powers.
Dapat anyang tutukan ng mga mambabatas ang nabanggit na panukala lalo’t naisumite naman na ng kagawaran ang lahat ng kailangang dokumento.