Isang traffic enforcer ng Quezon City Department of Public Order and Safety ang patay matapos barilin ng security guard habang nagsasagawa ng clearing operations sa Mabuhay Lane.
Kinilala ang biktima na si Enrique Fresnido na kabilang sa katuwang ng Metro Manila Development Authority sa clearing operation sa West Avenue, dakong alas-8:00 kaninang umaga.
Tinangkang kumpiskahin ni Fresnido ang motorsiklo ngunit nagmatigas si Batacan habang nagmatigas ang biktima kaya’t bumunot na ng calibre 38 revolver ang gwardya at binaril sa ulo ang traffic enforcer.
Naisugod pa sa Quezon City General Hospital si Fresnido subalit binawian din ng buhay dakong alas-9:00.
By Drew Nacino