Matapos na pansamantalang isinara ang Edsa-Timog flyover ay nagtalaga ng hindi bababa sa isandaang mga traffic personnel ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng Edsa at iba pang lugar malapit dito.
Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes, patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon ng trapiko sa lugar sa kabila ng pagbibigay-daan sa pagsasaayos ng bahagi ng naturang flyover na mayroong malalaking bitak.
Aniya, patuloy silang nakabantay sa anumang pagsasaayos na maaaring ipatupad kung saan lubhang apektado ang paggalaw ng mga sasakyan.