Aarmasan na ang mga traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority o MMDA kontra mga pasaway na motorista.
Ito ay matapos na tanggapin kahapon ni MMDA Chairman Danilo Lim ang donasyong dalawang daang (200) pirasong mga baton.
Ayon kay Lim, bukod sa ticket ang naturang baton aniya ang magsisilbing proteksyon ng mga traffic enforcer para maipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga motoristang mainit ang ulo at nagbabalak na manakit sa kanila.
Aniya, sasailalim ang mga enforcer sa short course training at paiiralain pa rin ang maximum tolerance sa paghuli sa mga violator.
—-