Inanunsyo ng MMDA at ilang lokal na pamahalaan na magpapakalat ito ng marami pang traffic enforcers sa metropolis alinsunod sa utos ng Korte Suprema na suspendihin ang no-contact apprehension program (NCAP).
Sinabi ng MMDA at ng lokal na pamahalan ng Maynila at Valenzuela na magpapakalat sila ng mas maraming sa mga lugar na nagpatupad ng NCAP.
Ayon naman kay MMDA Spokesman Crisanto Saruca Jr., patuloy pa rin sa pagmamatyag ang mga tauhan nila sa mga motoristang lalabag sa batas.
Dagdag pa ni Saruca, pumalo na sa bilang na 107,234 NCAP apprehensions ang naitala mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon.
Kaugnay nito, kalimitan sa nalalabag ng ilang motorista ay traffic lights violation at coding number scheme. —sa panulat ni Hannah Oledan