Inilabas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang traffic rerouting plan para sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon sa MMDA, magpapatupad sila ng zipper lane o counterflow sa Southbound portion ng Commmonwealth Avenue na magbibigay-daan para sa sasakyan ng mga opisyal ng gobyerno at mga bisita.
Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motoristang maapektuhan na dumaan muna sa mga rutang inihanda ng MMDA para sa kanila.
Nabatid na 1,133 personnel mula sa traffic discipline office, road emergency group, sidewalk clearing operations group, flood control, at metrobase ang ide-deploy sa Commonwealth Avenue at sa mga kalsada patungo sa Batasang Pambansa at bisinidad nito.
Tutulong din ang mga nabanggit sa task force SONA, PNP, NCRPO, QCPD, PSG at Quezon City LGUs para sa mapayapang pagdaraos ng SONA sa July 25.