Pumangalawa ang Pilipinas sa bansang may pinakamalalang sitwasyon ng trapiko sa buong mundo.
Ito ay batay sa traffic index report ng location technology specialist na TomTom sa 416 lungsod sa 57 na mga bansa.
Ayon sa datos, lumalabas na 53% ang nadaragdag sa normal na travel time ng mga motorista dahil sa usad-pagong na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Nanguna naman sa naturang listahan ang Moscow Region ng Russia na may 54% congestion level.
Bukod naman sa Metro Manila ay pumangalawa rin dito ang Bogota sa Colombia, at Mumbai sa India na kapwa may 53% congestion level.
Magugunitang taong 2019 nang lumapag din sa ikalawang pwesto ang Metro Manila sa kaparehong report, ngunit mas mataas ang naitalang congestion level nito noon na nasa 71%.