Nakaapekto umano sa mga delivery ng cargo at byahe ng mga frontliners ang mabigat na daloy ng trapiko sa northbound section ng South Luzon Expressway (SLEx).
Ito’y sa kabila ng mahigpit na implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQC) bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Filinvest Quarantine Control Point Chief Police Lt. Porferio Simon, 70% ng mga sasakyan na nagpabigat sa daloy ng trapiko sa SLEx kahapon ay halos mga pampribadong sasakyan.
Nabuo umano ang mabigat na daloy ng trapiko dahil sa dami ng privately owned vehicles na nais sumubok na makalusot sa checkpoint patungong Metro Manila.