Bumubuti na ang sitwasyon ng daloy ng mga sasakyan sa mga expressway sa bansa.
Ito’y ayon kay Julius Corpuz, tagapagsalita ng Toll Regulatory Board (TRB), makaraang simulan ang pagpapatupad ng cashless transaction nang magsimula ang Disyembre.
Ani Corpuz, aabot sa 90% ng mga sasakyan na dumaaraan sa mga expressways ang tumatangkilik sa radio-frequency identification (RFID) lanes.
Nauna rito, inulan ng batikos ang pagpapatupad ng cashless transaction sa pamamagitan ng RFID, dahil may ilan sa mga scanners nito ang depektibo.
Kung kaya’t nagdulot ito ng matinding pagsikip ng daloy ng trapiko.
Kasunod nito, patuloy ang paghingi ng paumanhin ng TRB sa mga motoristang patuloy pa ring nakararanas ng aberya sa RFID.
Sa huli, iginiit ni Corpuz na nagpapatuloy din ang pagtugon nila kasama ang mga toll operators na tuluyang ma-solusyonan ang problema.