Nanindigan ang PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation na labas na sila sa rehabilitasyon para kay Jessi Javier Carlos.
Ito’y makaraang maging epektibo ang exclusion order o ban kay Carlos sa lahat ng casino sa buong bansa nuong Marso 27 alinsunod na rin sa kahilingan ng pamilya nito.
Ayon kay PAGCOR Chairperson Andrea Domingo, sa mga panahong ito dapat isinailalim na ng pamilya Carlos si Jessie sa rehabilitasyon ngunit aminado Domingo na magastos at matagal ito.
Kasunod nito, iimbestigahan na rin ng PAGCOR ang nangyaring pag-atake ni Carlos sa Resorts WORLD Manila upang tingnan ang posibleng paglabag sa lisensya na may kinalaman sa security at fire situation.
Una nang inatasan ng DOJ o Department of Justice ang NBI na siyasatin ang nasabing pangyayari upang busisiin ang posibleng pinag-ugatan ng trahedya.
By: Jaymark Dagala