Kokontrahin ng minority group sa Kamara ang isinusulong na TRAIN 2 na nakapasa na sa committee on ways and means at rice tarrification bill na aprubado na sa ikalawang pagbasa.
Sinabi ni House Minority Floor leader Danilo Suarez na maling hakbang ang pagpapatupad ng dalawang panukala na kapwa priority measures ng Duterte administration.
Ayon kay Suarez, hindi tamang magpataw ng buwis sa gitna nang mahinang lagay ng ekonomiya ng bansa.
Tiyak aniya may indirect effest sa publiko ang TRAIN 2 at hindi totoong revenue neutral ang nasabing panukala.